Pinagtibay ngayong araw ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang desisyon nito na ipasara ang online news company na Rappler Inc.
Ipinahayag ito ng journalist at CEO ng Rappler na si Maria Ressa ginanap na East West Center conference at sinabing pinagtibay nga ng SEC ang pagbawi sa certificate of incorporation ng Rappler Inc. at Rapplewr Holdings Corporation (RHC).
Kwento ni Ressa, natanggap nila ang naturang masamang balita matapos silang abisuhan ng kanilang abogado tungkol sa kumpirmasyon ng pagpapasara sa kanilang kumpanya.
Sinabi naman niya na aapela sila sa desisyong ito lalo na’t “highly irregular” daw ang naging paglilitis dito.
Ang nasabing kautusan ay may petsang Hunyo 28, ngunit ang isang kopya nito ay hindi pa isapubliko.
Magugunita na una nang kinwestyon ng SEC ang Rappler’s Philippine Depositary Receipts (PDRs) na lumalabag sa foreign ownership restriction sa mass media sa bansa dahil sa probisyon nito na nag-aatas sa mga Pilipinong stockholder ng Rappler na humingi ng pag-apruba sa Omidyar Network na isa anilang paglabag sa absolute constitutional statutory prohibition on foreign control on mass media.
Dahilan kung bakit binawi ng SEC ang certificate of incorporation ng Rappler na mass media entity anila na nagbebenta n control sa mga dayuhan at nagsisilbi bilang isang “alter ego” para sa walang ibang layunin maliban sa pagpapatupad ng isang scheme na layuning pagtakpan ang mga dati pang paglabag nito sa konstitusyon.
Home Nation
SEC, pinagtibay ang desisyong ipasara ang Rappler
-- Advertisements --