-- Advertisements --

Kinilala ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang Securities and Exchange Commission dahil sa kanilang mahusay na pagtatrabaho na [palawakin ang capital market ng Pilipinas at ginawa ito isang “broadbased” sa pamamagitan ng digitalization.

Ang pahayag ay ginawa ni Diokno matapos ang pagpapaigting ng SEC ang kanilang capital market promotion.

Layon nito na makalikom ng pondo na makatutulong sa mga maliliit na negosyo sa bansa.

Ginawa ng SEC ang kanilang promotion sa pamamagitan ng roadshow buong taon para sa Capital Market.

Dahil dito nakalikom ang ahensya ng 427 million pesos mula sa 146 na kumpanya sa pamamagitan ng crowdfunding.

Ang crowdfunding initiatives ay itinuturing na isang estratehiya ng fundraising mula sa malaking bilang ng investors na tulungan ang mga maliliit na negosyo.

Ayon naman kay SEC Chairperson Emilio Aquino, ang SEC ay nagbukas ng oportunindad sa mga small business sa pamamagitan ng crowdfunding.