-- Advertisements --
Nilinaw ni Education Secretary Leonor Briones na hindi nagkukulang ang Department of Education (DepEd) sa pagbibigay ng mga benefits ng mga guro sa bansa.
Sa Laging Handa briefing kaninang tanghali, sinabi ni Briones na lahat ng entitlements ng mga guro ay ibinibigay naman ng DepEd.
Iginiit din nito na “timely” o hindi rin nade-delay ang pagbibigay ng mga allowances at compensation ng mga guro.
Sa limang buwan na hindi nagbukas ang klase, sinabi ni Briones na regular namang natatanggap ng mga guro ang kanilang mga benefits.
Kaya naman wala aniyang utang ang DepEd sa mga guro pagdating sa mga benefits ng mga ito.
Batid din kasi aniya ng kagawaran na mahalang-mahalaga at kailangang-kailangan ng mga guro ang mga allowances at compensation nila.










