-- Advertisements --

Hiniling ng mga seaweed at bamboo industry group sa gobyerno na kung maaari ay dagdagan ang kanilang budget.

Ayon kay Seaweed Industry Association of the Philippines Chair Alfredo Pedrosa III na ang pagbabalik ng orihinal na budget na P250 milyon ay may malaking tulong sa kanilang industriya.

Malayo na rin aniya mararating ng nasabing halaga para mapalakas ang seaweed industry at matulungan ang kabuhayan ng mga producers.

Sa panig naman ng Philippine Bamboo Foundation Inc. president Edgardo Manda na ang paglalaan ng P2 bilyon ay makakatulong sa paggawa ng mga flooding materials at paggawa ng mga commercial bamboo plantations.

Makikinabang din sa nasabing mga programa ang mga local farmers ng mga kawayan.

Sa mga nagdaang mga taon kasi ay patuloy ang pagbaba ng budget na ibinibigay sa kanila.

Kahit aniya na mayroong kakulangan ng suporta sa gobyerno ay nakalikom din sila ng kita ng $209.6 milyon sa pamamagitan ng pag-export sa iba’t-ibang bansa sa Europa, China at sa US.