Muling nakapag-ambag ng medalya sa Pilipinas ang women’s division ng Philippine national swimming team matapos maiuwi ng apat na Pinay swimmers ang bronze medal sa ginanap na 4 x 200 meter freestyle sa Aquatics Center, New Clark City, Capas Tarlac.

Naibulsa naman ng Singapore ang gintong medalya na may record time na 8 minutes 7 seconds habang silver medal naman ang inuwi ng Thailand dahil sa kanilang record time na 8 minutes 11.88 seconds.

Natapos nina Jasmin Alkhaldi, Xiandi Chua, Remedy Rule at Nicole Oliva ang kanilang lap sa loob ng 8 minutes 15.46 seconds.

Nabigo rin si Alkhaldi na makasungkit ng medalya para naman sa women’s 50m backstroke kung saan nagtapos ang atleta sa ika-apat na pwesto.

Sa kabila nito, patuloy pa rin ang pagkapit ng koponan sa paniniwalang madadagdadan nila ang gold medal na naipanalo ni James Deiparine noong Miyerkules, December 4.