NAGA CITY – Kasalukuyang naka-office lockdown ngayon ang opisina ng Schools Division Office ng lungsod ng Naga.
Ito ay matapos na magpositibo sa Coronavirus disease ang isa mga empleyado sa nasabing tanggapan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Schools Division Superintendent Manny De Guzman, sinabi nito na Abril 16 ng isinailalim sa swab test ang nasabing indibiwal kung saan lumabas na positibo ito sa COVID-19.
Agad naman umanong inabisuhan ang mga primary at secondary contacts nito na mag-home quarantine sa loob ng 14-days hanggang sa ideklara na ng HERTF na pwede nang bumalik ang transaksiyon sa nasabing opisina.
Ayon kay De Guzman, kasalukuyang naka work from home status muna ang kanilang mga empleyado hanggang sa bumalik na ito sa normal.
Samantala, dahil sa nasabing pangyayare ay naglaan nalamang ng mga drop boxes ang ahenysa sa Triangulo Elementary Schools na malapit sa opisina para sa mga importanteng dokumento na kailangang isumite sa opisina.
Sa ngayon umabot na sa mahigit 7,000 ang kabuuang bilang ng Coronavirus disease sa Bicol region dahil sa Community transmission.