-- Advertisements --

Walang balak ang Centers for Disease Control and Prevention ang kanilang inilabas na guidelines para sa muling pagbubukas ng mga eskwelahan sa Estados Unidos sa kabila ng kabi-kabilang patutsada ni President Donald Trump.

Ayon kay Dr. Robert Redfield, federal health official, maglalabas na lamang daw sila ng karagdagang impormasyon upang tulungan ang mga estado, komunidad at mga magulang na magdesisyon ng dapat gawin.

“Our guidelines are our guidelines,” ani Redfield.

Base kasi sa draft ng CDC documents, nakasaad dito na may mga hakbang ang mga paaralan para sa ligtas na pagbubukas ngunit hindi sila maaaring magbigay ng “one-size-fits-all criteria.

“Decisions about how to open and run schools safely should be made based on local needs and conditions,” saad sa dokumento.

Naglagay din ang federal agency ng checklist upang hikayatin ang mga magulang na pag-aralang mabuti kung dapat na ba nilang pabalikin ang kanilang mga anak sa paaralan.

Una nang pinatutsadahan ni Trump ang guidelines ng CDC dahil masyado raw itong mahigpit. Hindi rin aniya praktikal ang mga hinihingi ng ahensya.