-- Advertisements --
Wala ng kawala ngayon ang mga scammer dahil matutukoy na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) simula ngayong araw ng Miyerkules ang mga ito kasunod ng pagpaso ng SIM registration nitong Martes, Hulyo 25.
Sinabi din ni DICT Secretary Ivan John Uy na maaaring maghain ng reklamo ang publiko sa kanila ng text scams na kanilang matatanggap simula ngayong araw at matutukoy ng ahensiya kung sino ang nagpadala.
Sa data mula sa DICT, lumalabas na nasa mahigit 160 million SIM card sa buong nansa nag nairehistro as of July 23.
Ang mga deactivated sim cards ay maaaring mareactivate matapos magrehistro nang hindi lalagpas sa limang araw na grace period pagkatapos ng automatic deactivation.