-- Advertisements --

Pinagpapaliwanag ngayon ng Korte Suprema si dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon kung bakit hindi dapat siya dapat panagutin nito hinggil pa rin sa usaping may kaugnayan sa mga nakabinbing kasong isinampa sa kaniya.

Ito ay matapos na talakayin umano ni Guanzon sa publiko ang mga kasong isinampa sa kaniya ni Duterte Youth Party-list Representative Ducielle Marie Cardema at asawa nitong si National Youth Commission Chairperson Ronald Cardema kahit na mahigpit itong ipinagbabawal sa ilalim ng sub judice rule na ipinaiiral ng mataas na hukom.

Nakasaad sa isang resolusyon na inatasan ng SC si Guanzon na maglatag ng mga dahilan sa loob ng non-extendible period na sampung araw mula nang matanggap niya ang notice, kung bakit hindi siya dapat na managot sa kaniyang naging paglabag sa nasabing kautusan.

Ang sub judice rule ay isang tuntuning ipinapatupad ng Korte Suprema kung saan mahigpit na ipinagbabawal sa dalawang partido ang pagsasapubliko o pagtalakay sa anumang kaso habang nakabinbin pa ang resolusyon nito sa korte.

Magugunita na kamakailan lang ay naglabas din ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema laban kay Guanzon upang pigilan ang substitution nito bilan P3PWD Party-list nominee bilang tugon sa inihaing petisyon ni Cardema na magsagawa ng bidding ukol dito.