Inatasan ngayong ng Supreme Court (SC) ang lahat ng mga litigans, judges at court personnel sa first at second level courts na magsagawa ng pilot-test sa videocoferencing sa mga hearings ng mga mahahalagang kasong may kaugnayan sa nalalapit na pagpapalaya ng mga persons deprived of liberty (PDL) sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Ayon kay SC Court Administrator Jose Midas Marquez, ang naturang direktiba ay para sa lahat ng pending na criminal at civil cases kahit ito ay nakahain o nakabinbin pa at kahit saang stage pa ito ng trial.
Base sa direktiba na inilabas ng Office of the Court Administrator (OCA) nabigyan ng otoridad ang karagdagang korte sa buong bansa para magsagawa ng videoconferencing hearngs.
Sa inilabas naman ng OCA na Circular 92-2020, lahat ng first at second level courts ay nabigyan ng official Philippine Judiciary 365 Accounts.
Dahil umano sa matagumpay na pagsasagawa ng videoconferencing hearings at ang lahat naman ng korte ay kaya nang magsagawa nito ay kailangan nang magsagawa ang lahat ng iba pang first at second level courts na magsagawa na ng videoconferencing hearings.
Ito ay para maiwasan daw ang pagkaantala ng pagdinig ng korte sa mga pending cases.