Inihayag ng Korte Suprema na nagkakaisang inaprubahan nito ang Code of Professional Responsibility and Accountability (CPRA), na nag-a-update sa 34-year old na Code of Professional Responsibility.
Sa isang pahayag, sinabi ng mataas na hukuman na nagkakaisang inaprubahan nito ang Code of Professional Responsibility and Accountability o CPRA sa kanilang en banc session sa Baguio City.
Ito ay bahagi ng plano ng Korte Suprema na i-update ang 34 taong gulang na Code of Professional Responsibility and Accountability at gumawa ng moderno, may-katuturan, at tumutugon na gabay para sa pag-uugali ng mga abogado.
Ayon sa SC, mahigit 2,000 legal practitioner sa buong bansa ang nakibahagi sa Ethics Caravan mula Setyembre 2022 hanggang Enero 2023.
Una nang sinabi ng SC na ilulunsad ang Code of Professional Responsibility and Accountability bukas, Abril 13.