-- Advertisements --

Inihayag ng Korte Suprema na gaganapin ang 2023 Bar examinations sa 14 na local testing centers (LTCs) sa buong bansa.

Ayon sa Korte, maaaring piliin ng mga kwalipikadong aplikante ang kanilang gustong lugar, depende sa pagkakaroon ng mga slot, mula Hulyo 24 hanggang Hulyo 25.

Hindi sila dapat pagbabawalan sa pagpili ng law school kung saan sila nagtapos bilang kanilang local testing centers.

Sinabi ng SC na ang bawat aplikante ay bibigyan ng random queuing number (RQN), na tutukuyin ang time slot kung saan maaari nilang piliin ang kanilang gustong testing center.

Ang mga aplikanteng may qeueing number na may numerong 1 hanggang 2,805 ay maaaring pumili ng kanilang local testing centers sa Hulyo 24 mula alas-7 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.

Ang may number naman na may bilang na 2,806 hanggang 5,610 ay maaaring pumili ng kanilang local testing centers mula ala-1 hanggang alas- 6 ng hapon sa parehong araw.

Narito ang local testing centers para sa NCR:
San Beda University
University of Santo Tomas
San Beda College
University of the Philippines (UP) – Diliman
Manila Adventist College
UP – Bonifacio Global City

Sa Visayas:
University of San Jose – Recoletos
University of San Carlos
Dr. V. Orestes Romualdez Educational Foundation

Sa Mindanao:
Ateneo de Davao University
Xavier University

Ayon sa SC, ang San Beda College din sa NCR ang magsisilbing national headquarters para sa 2023 Bar examination.