TUGUEGARAO CITY – Magsilbi umano sanang leksyon sa mga pulis ang desisyon ng Supreme Court na ilabas ang mga report sa war on drugs ng Duterte administration.

Sinabi ni Integrated Bar of the Philipines (IBP) incoming president Atty.Egon Cayosa, ito ay nangangahulugan na hindi makakatakas sa kamay ng batas ang mga pulis na nagsagawa ng pang-aabuso sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa illegal drugs.

Ayon sa kanya, sa pamamagitan din nito ay mabibigyang linaw ang mga sinasabing nanlaban umano na mga drug suspects kaya sila napatay.

Sinabi pa ni Cayosa na walang magagawa si Duterte at ang PNP kundi ang sumunod sa nasabing desisyon ng SC.