-- Advertisements --
Hindi pa rin tumitigil ang Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na makuha si Jordan Clarkson para makapaglaro kasama ang Gilas Pilipinas sa 2023 FIBA World Cup.
Sinabi ni SBP President Al Panlilio na malaki ang maitutulong sa national team ni Clarkson lalo na at napili siya sa NBA bilang Sixth Man of the Year.
Isang beses lamang nakapaglaro sa Gilas Pilipinas si Clarkson noong 2018 Asian Games sa Jakarta kung saan nagtapos ang national team sa ikalimang puwesto.
Dagdag pa nito, may mga inaayos na silang dokumento kung saan handa nila itong patunayan sa FIBA.
Bilang isa kasi sa host ay tiyak na ang Gilas sa 2023 FIBA World Cup at hindi naman nila binabalewala ang pagkakataon na magwagi sa Group A kasama ang New Zealand, Korea at India.