-- Advertisements --

Kumpiyansa si Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio na magiging matagumpay ang hosting ng bansa ng FIBA Basketball World Cup na magsisimula sa Agosto 25.

Sa kasalukuyan kasi ay nasa 95 percent na sila sa kahandaan kung saan lahat ng mga venue ay magkakaroon ng mga pagbabago.
Naniniwala din ito na mahihigitan ng Pilipinas ang 32,616 attendance record na ginanap noong 1994 FIBA World Cup championship sa pagitan ng USA kontra Russia.

Ilan sa mga nagtiyak na pagdalo ay si NBA legend at FIBA ambassador Dirk Nowitzki.

Nagtala ang record breaking na audience ang Philippine Arena kung saan gaganapin ang opening ceremony ng FIBA World Cup ay noong Game 7 ng PBA sa 2023 Commissioners Cup finals sa pagitan ng Barangay Ginebra at Bay Area na mayroong 54,589.