-- Advertisements --

Nakatanggap na “fair” ratings ang bansa sa paghahanda nto sa bilang isa sa mga host ng FIBA Basketball World Cup na magsisimula sa Agosto.

Ang nasabing grado ay ibinigay ni FIBA Basketball World Cup Executive Director David Crocker.

Sinaksihan ng opisyal ang invitational games ng Samahang Basketball ng Pilipinas bilang bahagi ng 2 araw na dry-run nitong Martes at Miyerkules.

Sinabi pa nito na mayroong ilang bagay na kayang kontrolin na rin ng Local Organizing Committee at ito ay maaring pa nilang baguhin o pagbutihin.

Inamin nito na magiging malaking hamon sa organzers ang transportasyon sa mga manlalaro dahil sa trapikong nararanasan sa Metro Manila.

Una ng nagdesisyon ang organizers na inilipat ang mga laro mula sa dating Philippine Arena sa Bulacan patungo sa Metro Manila dahil sa trapiko.