-- Advertisements --

Ipapaubaya na lamang ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) kay Gilas Pilipinas coach Chot Reyes kung babaguhin niya ang mga lineups ng mga manlalaro sa pagharap nila sa Saudi Arabia mamayang gabi.

Sinabi ni SBP President Sonny Barrios, na maaaring kumuha ang Gilas coach sa 24 manlalaro na naunang ipresinta para sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Magugunitang nabigo ang Gilas Pilipinas kontra Lebanon nitong Biyernes.

Ang mga manlalaro na lumahok noon ay pinangunahan ni Utah Jazz player Jordan Clarkson at ilang mga PBA players gaya nina Japeth Aguilar, Scottie Thompson, Chris Newsome, Calvin Oftana at Jamie Malonzo.

Sa original na listahan kasi ay kabilang sina Ian Sangalang, Allein Maliksi, Robert Bolick, Jio Jalalon, Kevin Alas, Arvin Tolentino, Raymond Almazan at varsity standout Kevin Quiambao.