-- Advertisements --
Nananatiling interesado pa rin ang Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na panatilihin bilang Gilas Pilipinas head coach si Tim Cone.
Ayon kay Cone na wala siyang ideya kung nakapagdesisyon na ang SBP ukol sa nasabing usapin.
Nagkausap na sila noong nakaraang mga linggo aniya ng ilang opisyal ng SBP at lumalabas na nais pa siyang panatilihin sa pagiigng coach ng national basketball team.
Pinayuhan na lamang nito ang publiko na hintayin na lamang ang anunsiyo ng SBP ukol sa nasabing usapin.
Nakatakdang magkaroon ng exhibition games ang Gilas laban sa Hong Kong sa Pebrero 22 sa Tsuen Wan Stadium na susundan ng Chinese Taipei at ito ay gaganapin naman sa Philsport Arena.