-- Advertisements --

Hindi nagmamadali ang Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na maglabas ng listahan ng final 12 ng Gilas Pilipinas na sasabak sa 31st Southeast Asian Games (SEA Games) sa darating na Mayo sa Hanoi, Vietnam.

Ayon kay SBP deputy executive director Butch Antonio, na nais nila na matiyak na magiging maganda ang lineup.

Bilang isang defending champion aniya sa SEA Games ay nakatutok sa kanila ang mga mata ng kanilang katunggali.

Titiyakik aniy nila na hahakot muli ang basketball team ng bansa sa nasabing torneo.

Mula kasi ng magkaroon ng men’s basketball sa SEA Games noong 1977 ay dalawang beses lamang sa loob ng 20 pagkakataon na hindi nangibabaw ang bansa.

Nauna ng inanunsiyo ng Gilas Pilipinas ang 16 na pangalan na sasabak sa men’s basketball at ito ay kanilang babawasan ng hanggang 12.

Ilan sa mga nangibabaw sa listahan ay ang mga PBA players gaya nina Poy Erram, Kib Montalbo, Japeth Aguilar, Isaac Go, Troy Rosario, Roger Pogoy, Matthew Wright, Kevin Alas, Robert Bolick at Mo Tautuaa bilang naturalized player.

Kasama rin sa listahan ang mga Japan-based players na sina Thirdy Ravena, Dwight Ramos, William Navarro, Calleum Harris at LeBron Lopez.