Muling gumawa ng kasaysayan ang P-pop group na SB19 matapos itong mapili bilang unang grupong Pilipino na maghahagis ng ceremonial first pitch sa isang Major League Baseball (MLB) game sa Estados Unidos.
Ang limang miyembro ng grupo na sina Pablo, Stell, Ken, Josh, at Justin ay bahagi ng kanilang international tour kung saan patuloy nilang ipinakikilala ang musikang Pilipino sa international stage.
Bukod sa MLB appearance, nakatakda ring magtanghal ang SB19 sa Grammy Museum sa July 28 at sa Lollapalooza sa July 30. Kasama rin sa kanilang schedule ang mga fan meeting sa Amerika at Japan, pati ang performance nila sa Summer Sonic sa Japan.
Kikilalanin na ang SB19 sa ilang Pilipinong personalidad na nakapaghagis na ng ceremonial first pitch sa MLB, kabilang sina boxing legend Manny Pacquiao, aktres Liza Soberano, at komedyanteng si Jo Koy.
Ikinatuwa naman ng kanilang fans na ”A’TIN” ang panibagong milestone ng grupo. Ayon sa kanila, patunay ito ng patuloy na pagangat ng SB19 bilang kinatawan ng musikang Pilipino sa buong mundo.
Matatandaan na lalo pang lumawak ang international opportunities ng grupo matapos silang makipag-partner sa United Talent Agency (UTA), isang kilalang global entertainment agency.














