-- Advertisements --
Bumisita si Saudi crown prince Mohammed bin Salman sa Turkey.
Personal itong nakipagpulong kay Turkish President Recep Tayyip Erdogan.
Ang nasabing pagbisita ay siyang unang beses mula ng maganap ang pagpatay sa journalist na si Jamal Khashoggi sa konsulada ng Istanbul Turkey noong 2018.
Sa nasabing taon din ay inakusahan ni Erdogan ang Saudi prince na nasa likod ng pagpatay kay Khashoggi.
Ang pagbisita ng Saudi Prince ay para matulungan ang Turkey sa kanilang lumalalang krisis sa ekonomiya.
Nais kasi ni Prince Mohammed na matapos na ang kaniyang international isolation at maibalik ang kapangyarihan sa regional countries kaya bumisita na ito sa mga bansan Egypt, Israel, at United Arab Emirates.