-- Advertisements --

Mananatili sa pagamutan ang hari ng Saudi Arabia na si Salman bin Abdulaziz matapos na sumailalim sa colonoscopy nitong Linggo ng hapon.

Ayon sa kaniyang doctor na kailangan munang mamahinga ng ilang araw ang nasabing hari para agad itong gumaling.

Itinakbo kasi ang 86-anyos na hari nitong gabi ng Mayo 7 sa King Faisal Specialist Hospital sa Jeddah.

Noong 2020 ay sumailalim na rin sa operasyon ng kaniyang galbladder si Abdulaziz.