-- Advertisements --

Naharang ng Ministry of Defense ng Saudi Arabia ang apat na ballistic missiles.

Ang nasabing missiles ay tinarget ang ilang pasilidad sa Riyadh.

Pinayuhan nila ang mga residente na magtago sa kanilang bahay dahil sa pagkalat ng debris at iwasan ding pulutin ang mga ito.

Ipinagmalaki rin ng Israel Defense Forces (IDF) na mayroong 200 na targets ang tinamaan nila sa Iran.

Gamit ang kanilang fighter jets ay natamaan nila ang target sa western at central Iran.

Kinabibilangan ito ng mga lugar kung saan nakatago ang mga ballistic missiles, air defense systems, ballistic missile launchers at pagawaan ng mga armas.

Natitiyak naman ng Israel na tuloy-tuloy ang kanilang gagawing pag-atake sa Iran hanggang mawalan na ang mga armas nila.