-- Advertisements --
Inilabas na ng PNP region 11 ang larawan nina Satur Ocamp at ACT Teachers Rep France Castro na sumailalim sa booking procedure.
Kinuhanan nang mug shot, finger prints sina Ocampo na kasalukuyang nakakulong sa Talaingod Police Station.
Ito’y matapos kasuhan ng kidnapping and child trafficking si Ocampo, Rep Castro at 17 iba pa.
Kabilang sa 17 mga naaresto ay 11 mga guro, 4 na pastor at 1 administrator.
Inaresto ang grupo ni Ocampo sa isang checkpoint sa Talaingod, Davao Del Norte.
Kasalukuyang nananatili naman sa kustodiya ng DSWD sa Talaingod ang mga narescue na mga menor de edad habang.
Nabatid na ang mga menor de edad ay estudyante ng Salugpungan School.