Lubos na nagpasalamat si House Speaker Martin Romualdez sa mga Pilipino sa pagtaas ng kanyang satisfaction at trust ratings, batay sa resulta ng pinakahuling survey ng Tangere na isinagawa mula Setyembre 16 hanggang 19.
Ayon sa resulta ng Tangere survey, tumaas sa 46.3 porsyento ang satisfaction rating ni Romualdez mula sa 45.55 porsyento habang ang kanyang trust rating ay umakyat mula 56 porsyento patungong 56.4 porsyento.
Ayon sa datos ng survey, si Speaker Romualdez, ang kinatawan ng 1st district ng Leyte, ay nakitaan ng malakas na suporta sa mga rehiyon ng Hilagang Luzon, Gitnang Luzon, at Silangang Visayas.
Hindi pinalagpas ng pinuno ng Kamara ang pagkakataon na magpasalamat sa tinanggap na suporta, “I am especially grateful for the warm support from the Visayas region, where my roots are deeply grounded. You have always been there for me, and I will continue to work hard to be worthy of your unwavering trust.”
Ayon kay Speaker Romualdez, sa kabila ng mga hamon bilang isang lingkod-bayan, ang malaman na sila ay nakapagbibigay ng pagbabago sa buhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagpasa ng mga batas at pagpapatupad ng mga programa ng gobyerno para sa mga nangangailangan ay “nagpapalakas ng dedikasyon na higit pang maglingkod.”
“I know there is still much to be done. Our country faces many challenges, and I assure you that the House of Representatives will not rest until we achieve meaningful reforms that address poverty, improve healthcare, create more jobs, and strengthen our democracy,” ayon Romualdez.
Ang Tangere survey ay binubuo ng 2,000 participants mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas—12 porsyento mula sa National Capital Region, 23 porsyento mula sa Hilagang Luzon, 22 porsyento mula sa Timog Luzon, 20 porsyento mula sa Visayas, at 23 porsyento mula sa Mindanao.