-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nakaligtas ang driver ng isang sasakyan ng biglang magliyab sa probinsya ng Cotabato.

Ayon sa ulat ng pulisya, nanggaling sa Kidapawan City ang sasakyan na may kargang gasolina patungong Arakan, Cotabato.

Pagsapit ng Kia Bonggo light truck sa Sitio Campo, Barangay Temporan, Magpet, Cotabato ay biglang umusok hanggang sa nagliyab.

Agad uamnong tumalon ang driver at pahinante nito kaya nakaligtas sa tiyak na kamatayan.

Ang sasakyan ay pag-aari umano ng isang negosyante sa bayan ng Arakan.

-- Advertisement --

Sa ngayon ang BFP Magpet at PNP ay nagpapatuloy sa kanilang imbestigasyon sa naturang pangyayari.