-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nangunang OPM acts sina Sarah Geronimo, Darren Espanto at ang SB19 sa Star FM Best of 2020.

Kinilala bilang Female OPM Artist of the Year ang popstar na si Geronimo, Male OPM Artist of the Year ang 19-year-old na si Espanto, habang P-Pop Group of the Year naman ang sikat na boy group na SB19.

Ito ay matapos ang dalawang linggong online voting kung saan nakakuha ang Star FM ng mahigit 2.5 million na tweets sa hashtag na #StarFMBestOf2020.

Samantala, maliban sa kanila ay kabilang din sa mga OPM acts na kasali sa listahan ang The Juans bilang Filipino Band of the Year at ang The Vowels They Orbit bilang Rising OPM Band of the Year.

Favorite OPM hits rin ang “Hanggang sa Huli” ng SB19 (OPM Song of the Year), “Sana Tayo Na” ni Darren Espanto at Jayda Avanzado (OPM Collaboration of the Year), at “Magandang Dilag” ni JM Bales (Viral OPM Hit of the Year).

Maliban dito ay inaabangan na rin ang Year-End Perfect 10 Countdown 2020 ng Star FM Philippines sa January 1, 2021.