Wala umanong balak sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na sumabay sa celebrity lineup na nakabuo ng tsikiting bago pa man magkaroon ng deadly virus crisis sa bansa.
Sa kanilang tatlong buwan bilang married couple, inihayag ng 30-year-old actor na enjoy pa sila ng 31-year-old actress sa unang stage ng pag-aasawa kaya hindi pa maisingit ang pagkakaroon ng baby.
“Baby plans, I don’t think so. Not yet. We’re just enjoying our time together, after all these years…” saad ni Guidicelli sa isang online media conference.
Nabatid na anim na taon naging magkasintahan sina Sarah at Matteo at nauwi sa secret Christian wedding noong February 20, 2020 (02-20-20).
Samantala, narito ang ilang celebrities na nagdadalang-tao sa kabila ng coronavirus pandemic:
Isabel Oli happily- third baby kay John Prats
Iya Villania- third baby kay Drew Arellano
Jewel- second baby kay Alex Kurzer
Bangs Garcia- second baby kay Lloydi Birchmore
Max Collins- first baby kay Pancho Magno
Margaret Younghusband- first baby kay Phil
Coleen Garcia- first baby kay Billy Crawford