Matteo COVID nega

Nagnegatibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Ito’y base sa larawang ipinost ni Guidicelli kung saan hawak nito ang testing kit na makikita ang negative result sa tinatawag na IG stories.

Kahapon nang sumailalim sa rapid test ang celebrity couple kasunod ng kanilang pagtungo sa isang dental clinic.

Una nang inihayag ni Guidicelli na sa loob lang talaga sila ng bahay sa buong quarantine period sa Metro Manila at umaalis lang kung kailangan nang mag-grocery.

Nabatid na anim na taon naging magkasintahan sina Sarah at Matteo at nauwi sa secret Christian wedding noong February 20, 2020 (02-20-20).