-- Advertisements --
image 427

Iginiit ng Department of Agriculture (DA) na sa kabila ng pagtaas ng presyo ng bigas sa bansa, nananatiling sapat ang suplay.

Malimit kasi na lumulutang ang konsepto na tumataas ang presyo kapag kulang ang suplay.

Nito kasing nakalipas na mga araw, ang presyo ng bigas sa Metro Manila ay tumaas ng P2 kada kilo subalit ang paliwanag naman dito ng Department of Agriculture (DA) ay dahil umano ito sa mataas na nagagastos sa produksiyon ng palay.

Pagtitiyak pa ni Agriculture Undersecretary Leo Sebastian na inaasahan ng kagawaran na mag-stabilize ang galaw ng presyo ng bigas.

Ito ay base na rin sa PhilRice PRISM data kung saan mayroong 8.153 million metric tons na palay production noong 2022 hanggang 8.605 million MT ng palay o 5.6 million MT na milled rice para ngayong 2023.

Maliban dito, sinabi din ni Sebastian na mayroong carry-over stock na 1.8 million metric tons ng milled rice na madaragdagan pa kasabay ng pagdating ng inangkat na 1.8 million metric tons ng bigas.