CAUAYAN CITY- Puntirya ng City Health Office (CHO) na maisailalim sa TB Free City ang Santiago City sa Rehiyon Dos.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Genaro Manalo, City Health Officer, sinabi niya na nais ng Santiago City na maging TB Free City kaya ilang programa ang nakatakdang isagawa ngayong linggo.
Bukas, June 21, 2022 ay magtutungo ang ilang kawani ng CHO sa Brgy. Rizal at sa June 23, 2022 naman ay sa Villa Gonzaga habang sa Biyernes ay isasagawa ang Libreng laboratory examination sa City Public Market.
Nasa 200 katao ang target na masuri ng tanggapan kaya inimbitahan ni Dr. Manalo ang lahat na makiisa kahit mga walk in patients.
Prayoridad ang mga manggagawa tulad ng mga food handlers, elderly at mga barangay workers .
Aniya mataas ang cure rate sa Santiago City na maaaring dahilan ay ang pagbibigay ng insentibo sa mga Barangay Health Workers.










