-- Advertisements --
Inilabas na ng Buckingham Palace ang naging sanhi ng kamatayan ni Queen Elizabeth II.
Sa dokumento mula sa National Records of Scotland, na namatay ang monarch queen dahil sa katandaan.
Sa oras ng 3:10 ng hapon oras sa United Kingdom noong Setyembre 8 ay namayapa ang 96 anyos na monarch queen sa Balmoral Castlle sa Ballater, Scotland.
Ang nasabing dokumento ay pirmado ng anak nitong babae na si Princess Anne.