-- Advertisements --
Nangako si Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade na maaabot nito ang deadline na ibinigay ni Pangulong Duterte para sa operasyon ng Sangley Airport sa Cavite.
Nitong araw nang lumagda si Tugade sa isang kasunduan para sa pag-develop ng naturang paliparan kung saan nanindigan ito na tatalima sa deadline na siya raw mismo ang nagalok sa pangulo.
Ayon sa kalihim, noong Pebrero pa natapos ang runway na airport samantalang ang mga pasilidad nito gaya ng passenger terminal at hangars ay nasa halos 50-percent ng naitatayo.
Samantala, malapit na rin daw matapos ang drainage system nito.
Mahigpit daw ang paalala ni Tugade sa contractor ng proyekto na Unimaster Conglomeration Inc. para sa mabilis na pagtatayo ng paliparan.










