-- Advertisements --

LAOAG CITY – Patay ang isang miyembro ng Sangguniang Bayan sa bayan ng Solsona matapos bumangga ang kanyang motorsiklo sa isang kotse sa Sitio Cabuloan, Brgy. 21 San Marcos sa bayan ng Sarrat.

Ang konsehal ay 53-anyos at residente sa Brgy. Laureta sa bayan ng Solsona.

Ayon kay Police Major Carlo Abing, hepe ng PNP Sarrat, nakasakay ang biktima sa kanyang motorsiklo at pareho sila ng kotse na patungo sa Sitio Cabuloan.

Ganunpaman, nang papunta na sa kaliwang bahagi at papasok sana ang kotse sa barangay road ay bigla umanong bumangga sa likod ang motosriklo ng konsehal.

Agad namang itinakbo sa ospital ang konsehal ngunit namatay ito habang ginagamot ng mga doktor.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyari.