Boyet and Sandy
Boyet and Sandy/ IG post

Nagnegatibo sa coronavirus si Sandy Andolong ang maybahay ng actor na si Christopher de Leon.

Kinumpirma mismo ito ng actor kung saan labis ang pasasalamat niya dahil hindi ito nahawaan.

Nauna kasing napaulat na nagpositibo sa coronavirus ang actor subalit matapos ang ilang araw na self-quarantine ay nagnegatibo ito.

Itinuturing ng actor na isang magandang regalo ang pagnegatibo nila sa virus dahil ipagdiriwang nila ng kanilang ika-40 wedding anniversary.