Pinayagan na ng Sandiganbayan 2nd Division si President-elect Ferdinand Marcos at kampo ng ama nito na magpresenta ng ebidensiya ukol sa nakabinbin na ill-gotten wealth case.
Sa inilabas na resolusyon na Civil Case No. 0014, na kanilang ibinasura ang motion na pagbabawal sa karapatan ng mga defendants na maglabas ng kanilang ebidensiya.
Itinakda sa Hulyo 7 ang pagpapatuloy ng inisyal na pagpresenta ng mga ebidensiya ng mga defendants.
Ang nasabing motion ay inihain noon n g Presidential Commission on Good Government (PCGG) sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General (OSG).
Inihain ang nasabing mosyon matapos na bigong dumalo sa initial presentation ng kanilang evidence noong Agosoto 13, 2019 ng kanilang ebidensiya sinai Marcos Jr, ang ina nito na si Imelda, kapatid nito na sina Imee at Irene ganun din ang mga defendants na sina Isaiah Pavia Cruz at Don Ferry.
Ang nasabing resolution ay isinulat ni Associate Justice Arthur Malabaguio sa na sinang-ayunan ni Division Chairperson Oscar Herrera, Jr. at Associate Justice Michael Frederick Musngi.
Ang Civil Case No. 0014 ay inhain noong 1987 laban kina dating Pangulong Ferdinand Marcos at Imelda kung saan layon ay mabawi ang ill-gotten wealth, assets at mga ari-arian ng mga Marcoses na sinasabing nakuha umano sa iligal na paggamit ng pondo ng gobyerno.
Mula noon ay maraming motion ang inihain sa prosecutions at defendant sa Civil Case 0014 kung saan naganap ang pagdinig noong 2018.
Ilang mga defendants ng kaso ay sina: Modesto Enriquez, Trinidad Diaz Enriquez, Rebecco Panlilio, Erlinda Enriquez-Panlilio, Leandro Enriquez, Roman Cruz, Jr. at Gregorio Castillo.