-- Advertisements --

Iginiit ng Malacañang na ang Sandiganbayan lamang ang may kapangyarihang magpasya kung papayagang makapagpiyansa sina Senador Rodante Marcoleta at Senador Jinggoy Estrada upang makalahok sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ito ang tugon ng Palasyo sa naging “kontra-SONA” ni Senador Alan Peter Cayetano, kung saan iginiit nitong mga “political prisoners” sina Marcoleta at Estrada.

Ayon kay Palace Communications Undersecretary Claire Castro, kung naniniwala si Cayetano sa naturang pahayag, maaari naman umano itong magsilbing abogado ng dalawang senador.

Binigyang-diin ni Castro na nasa hurisdiksyon na ng Sandiganbayan ang dalawang mambabatas kaya ang korte lamang ang maaaring magpasya sa kanilang kahilingan. Aniya, nakabinbin din sa Senado ang manifestation na humihiling na payagang dumalo ang dalawa sa impeachment proceedings sa kabila ng kanilang pagkakadetine.

Nagbabala rin si Castro na kung papayagan ang kahilingan, maaari itong magsilbing masamang precedent dahil maaari ring igiit ng iba pang mga nakakulong ngunit may nakabinbing kaso na pansamantalang makalabas upang makapagtrabaho. (Report by Bombo Jai)