-- Advertisements --

Nakaisolate ngayon si Sandara Park matapos na magpositibo sa COVID-19.

Sinabi ng K-pop star na wala siyang gaanong sintomas na nararamdam.

Dahil dito ay kinansela niya ang mga nakatakdang show sa South Korea.

Tiniyak nito sa mga fans na agad na itutuloy nito ang mga shows kapag tuluyan na siyang gumaling.