Pinaplantsa na umano ng kampo ni US President Donald Trump ang panibagong sanctions na maaari nitong ipataw laban sa Iran sa oras na patalsikin sa naturang bansa ang tropa militar ng Estados Unidos.
Lumabas ang balitang ito matapos pagbotohan ng Iraqi Parliament ang pag-oobliga sa gobyerno na tuluyang tanggalin ang presensya ng US military sa lupain ng Iraq.
Ayon sa isang US official, malaki raw ang magiging papel ng White House at Treasury Department sa oras na maipatupad na ang naturang sanction ngunit iginiit nito na nasa kalagitnaan pa sila ng preparasyon.
Plano umano ng Trump administration na magmatyag muna sa magiging hakbang ng Iraqi officials sa pagtatanggal ng tropa militar ng Amerika.
Samantala, nakarating na ang mga labi ni Iranian military commander Gen. Qassem Soleimani sa kaniyang bayang pinagmulan sa Kerman, Iran kung saan sinalubong ito ng milyun-milyon niyang taga-suporta.
Napagbotohan na rin umano ng ilang mambabatas mula sa Iran na ideklara bilang terorista ang US forces bilang tugon sa pagpatay ng Amerika kay Soleimani.










