-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Susuportahan pa rin ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang Anti-Terrorism Act.
Ito’y kahit una nang ipinapanawagan ni BARMM Chief Minister Murad Ebrahim kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-veto ng naturang batas.
Ayon sa BARMM chief minister, nakahanda ang kanilang regional government na makipagtulungan sa Duterte administration upang tuluyang masugpo ang problema ng bansa laban sa terorismo lalo sa Mindanao.
Dagdag nito na nais nilang magkaroon ng kinatawan sa Anti-Terrorism Council upang matiyak na hindi maging biktima ng pang-aabuso ang mga Muslim.
Nabatid na para kay Ebrahim, posibleng magdulot ng matinding diskriminasyon sa mga Moro sa Mindanao ang bagong batas.