-- Advertisements --

Muling ipapatupad sa lungsod ng San Juan ang city-wide curfew mula 10 p.m. hanggang 5 a.m. upang kontrolin ang pagtaas pa lalo ng coronavirus disease cases sa kanilang komunidad.

Ayon kay Mayor Francis Zamora, ginawa nila ang naturang desisyon dahil na rin sa ulat na biglang sumipa ang kaso ng nakamamatay na virus na naitatala sa National Capital Region.

Sa ilalim ng City Executive Order No. FMZ-072, tanging ang mga health workers, essential government, private workers, security personnel, public transportation, delivery drivers at health emergencies ang hindi sakop ng naturang curfew.

Ang mga lalabag ay pagmumultahin alinsunod sa Republic Act No. 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Nagkakahalaga ito ng P20,000 hanggang P50,000 o isa hanggang anim na buwang pagkakakulong.

-- Advertisement --

Sa ngayon ay mayroong 163 active cases sa San Juan City, batay sa datos mula Department of Health (DOH).