-- Advertisements --
Hiniling ni San Juan City Mayor Francis Zamora sa mga negosyanteng nasasakupan niya na kung maaari ay mabigyan ng diskuwento ang mga fully-vaccinated na residente ng lungsod.
Sinabi ng alkalde ang nasabing hakbang ay para mas maraming mga residente niya ang magkaroon ng interest na magpabakuna laban sa COVID-19.
Dagdag pa nito, kapwa makikinabang ang nasabing partido dahil mae-enjoy ng mga nabakunahang residente ang diskuwento habang magkakaroon ng maraming kliyente ang nasabing establisyemento.
Nakapaloob ang kautusan sa pinirmahan niyang Executive Order 82 series of 2021.
Nauna rito binuksan na rin ng LGU San Juan ang isang vaccination center sa isang sinehan para mas lalong dumami ang mga mababakunahang residente.










