-- Advertisements --

Inamin ni San Juan City Mayor Francis Zamora na malaking utang ang kanyang minana kasabay ng pagbaba sa pwesto ni dating Mayor Guia Gomez sa pwesto.

Nitong araw nang ianunsyo ni Zamora sa flag ceremony ng San Juan City Hall ang planong pagpapataw ng dagdag na buwis bilang tulong sa iipunin nilang pambayad utang na halos P1-bilyon.

Kaugnay nito nilabas ng alkalde ang unang executive order nito na nagpapatibay sa integridad ng sistema ng siyudad.

Ayon kay Zamora, gumastos ng higit P700-milyon si Gomez para lang sa bagong city hall.

May halos P170-milyon din daw itong nagasta dahil sa ilang amiyenda sa kontrata ng konstruksyon.

Bagamat nag-iwan ng P1.3-bilyon na budget ang nakaraang administrasyon ay inaasahan pa rin daw nilang kikita ng P1-bilyon ang San Juan bago magtapos ang 2019.

Iniiwan na rin daw ni Zamora sa Commission on Audit ang pagsusuri sa paggastos ng dating alkalde sa pondo ng San Juan.