-- Advertisements --
fiba

Pasok na sa ikalawang round ng elimination ang sampung malalakas na koponan sa nagpapatuloy na FIBA Basketball World Cup 2023.

Kinabibilangan ito ng mga sumusunod na bansa:

  1. Australia(3)
  2. Dominican Republic(25)
  3. Italy(10)
  4. Spain(1-defending champion)
  5. USA(2)
  6. Canada(15)
  7. Germany(11)
  8. Latvia(29)
  9. Lithuania(8)
  10. Montenegro(18)

Sa mga umusad na bansa, apat sa kanila ay nagawang ma-sweep ang kanilang mga kalaban, na kinabibilangan ng Dominican Team, Team Lithuania, Team Germany, at team Canada.

Posibleng sa pagtatapos ng mga laro ngayong gabi ay malalaman na rin ang anim na iba pang uusad sa ikalawang round ng elimination.

Samantala, kasabay ng pag-usad ng sampung koponan, sampung koponan din ang nawalan ng tyansang maka-akyat sa ikalawang round.

Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:

  1. Angola(41)
  2. France(5)
  3. Finland(24)
  4. Japan(38)
  5. Lebanon(42)
  6. Egypt(55)
  7. Iran(20)
  8. Jordan(34)
  9. Mexico(31)
  10. Philippines(40)

Sa mga bansang hindi nakapasok sa ikalawang round, ang bansang France ang may hawak ng pinakamataas na World Rank, na pinamumunuan ni Minnesota Timberwolves Center Rudy Gobert.