-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Nag-iwan ng isang sundalong patay matapos in-ambush ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Canvais, Motiong, Samar.

Ayon kay Capt Reynaldo Aragones, tagapagsalita ng 8th Infantry division ng Philippine Army, dalawang sundalo ng 14th Infantry Battalion ay lulan ng single motorcycle nang tambangan sila ng aabot sa 10 rebelde.

Napag-alaman na papunta sana ang mga ito sa isang barangay para sa isinasagawang programa.

Ayon kay Aragones, pinagtataga ang isa sa mga sundalo at hindi pa nakuntento ay sinunog pa ang katawan nito.

“Patay na, tinaga pa sa ulo. Hindi pa nasiyahan sinunog pa .. grabe hindi na po makatao nasaan na po ang sinasabi nilang ideolohiya nila? Pure terorista na po talaga ‘tong mga NPA dito sa area natin,” pagkondena ni Capt Aragones.

Kinuha rin ng teroristang grupo ang mga gamit ng kasundaluhan.