Kumpiyansa ang Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) na makakalikha muli ng mga panibagong kampeonato ang Pilipinas para sa 2028 Los Angeles Olympics matapos ang matagumpay na maiuwi nina Jay R Colonia at Jhodie Peralta ang 10 gintong medalya, 3 pilak, at 3 tansong napanalunan.
Ayon kay SWP President Monico Puentevella, inspirasyon pa rin sa mga atleta ang gintong tagumpay ni Hidilyn Diaz sa Tokyo Olympics.
Sinabi pa ni Puentevella na posibleng makapagpadala ang bansa ng 4 hanggang 5 lifters sa LA Olympics. Dagdag niya, bagamat maliit ang budget ng Pilipinas kumpara sa China, halos pantay na ang kanilang nakuhang gintong medalya sa huling Youth Championships.
Samantala wagi din ang iba pang manlalaro ng pinas tulad nina Ian Delos Santos, Alexsandra Diaz, Althea Bacaro, at Angeline Colonia.