CAUAYAN CITY- Hiniling ng isang samahan ng mga health workers na ang maitatalagang bagong kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan o DOH ay may kongkretong plano sa hanay ng mga health workers.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Jao Clumia,President ng St. Luke’s Medical Center Employees Association na umasa sila na magtatalaga si Pangulong Bongbong Marcos ng bagong Kalihim ng DOH ngunit itinalaga bilang OIC si Undersecretary Maria Rosario Vergiere.
Ayon kay Ginoong Clumia ang nais nilang maupo sa DOH ay ang mayroong kongretong plano para sa hanay ng health workers lalo na at nagkakaroon muli ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Marami anya ang kapalpakan ng DOH pangunahin na ang tingi-tinging pamimigay ng benepisyo ng mga health workers magmula noong magsimula ang Bayanihan Law.
Nais anya nilang magkaroon ng kongretong plano na dagdag sahod ng mga nurses at dagdag sahod sa allied healthcare workers ..
Kung sinuman anya ang maitatalagang OIC ng DOH ay kinakailangan nilang tanggapan hanggat hindi pa nakakapili ng magiging kalihim ang Pangulo.