Nilinaw ng negosyante at TV personality na si Sam Verzosa na wala siyang romantic relationship sa mga aktres na sina Kyline Alcantara at Faith Da Silva, kasunod ng mga kumakalat na espekulasyon sa social media.
Sa kanyang panayam kay Boy Abunda, diretsahang sinagot ni Sam na magkaibigan lamang sila ni Kyline at walang namamagitan sa kanila.
Ayon sa kanya, nagkakausap at nagkikita lamang sila sa mga event, ngunit hindi sila nagde-date.
Pinuna rin niya ang mga kumakalat na tsismis online, at sinabing hindi fair para kay Kyline ang mga maling interpretasyon tungkol sa kanila.
Humingi rin siya ng paumanhin sa aktres dahil sa mga kumalat na larawan at post sa social media na naging sanhi ng intriga.
Nilinaw din ni Sam na ganito rin ang sitwasyon nila ni Faith Da Silva, na ayon sa kanya ay matagal na niyang kaibigan.
Dagdag pa niya, mahigit limang taon na silang magkakilala at nagkita muli kamakailan sa isang event. Aniya, may naging mentoring din siya kay Faith noon tungkol sa pagma-manifest ng goals, at masaya siya sa naging tagumpay ng aktres.
Samantala, inalala rin sa panayam ang dating relasyon ni Sam sa aktres na si Rhian Ramos, na kinumpirma ang kanilang hiwalayan noong Marso. Ayon kay Ramos, matagal na silang hiwalay bago pa kumalat ang mga isyu sa social media.
Nag-ugat ang mga espekulasyon matapos mapansin ng netizens na nag-unfollow na umano ang dalawa sa isa’t isa sa Instagram noong nakaraang taon.
Sa ngayon, iginiit ni Verzosa na kung sakaling magkaroon siya ng bagong relasyon, kusa itong malalaman ng publiko.















