-- Advertisements --

”I don’t owe the world my heartbreak”

Ito ang sinabi ni Kyline Alcantara matapos humarap sa publiko ukol sa mga kontrobersiyang kinaharap niya kaugnay ng kanyang mga nagdaang relasyon.

Ayon sa aktres mas maayos na ang kanyang puso at pinauubaya na lang aniya lahat ng ito sa Diyos.

Sa isang panayam sinabi ni Kyline na “My heart is good. It’s better now, definitely with the help of everyone around me.”

Matatandaang naging usap-usapan si Kyline matapos ang hiwalayan nila ni Mavy Legaspi noong 2023 at ni Kobe Paras nitong 2025.

Nang tanungin kung bakit hindi siya lumaban sa gitna ng mga kontrobersiya, sagot niya, “Even if you hurt me, I will always show grace. I do not owe the world my heartbreak. It’s mine.”

Iginiit din ni Kyline na hindi siya naniniwala sa paghihiganti at hindi niya kailangang patunayan ang sarili sa publiko.

“I know I’m a public figure, but I’m not public’s property,” pahayag nito.

Bagaman nasaktan siya sa mga mapanghusgang komento, sinabi ng aktres na ipinagpapasa-Diyos na lamang niya ang lahat at magmo-move on na lang.