Tutol si Albay Rep. Joey Sarte Salceda sa mungkahing gawing online ang pasok ng mga estudyante para sa School Year 2020-2021.
Para kay Salceda, “anti-poor” ang planong ito dahil hindi naman lahat ng mga estudyante may kagamitan para sa online learning.
Base sa pag-aaral, sinabi ni Salceda na tanging 4 percent lamang ng mga estudyante sa bansa ang may access sa internet gamit ang sariling computer.
Dapat din aniyang ikonsidera na minsan umaabot lang ng 3.3 mbps ang bilis ng internet sa ilang probinsya sa Pilipinas.
Kapag ganito ang sitwasyon, iginiit ni Salceda na hindi mabibigyan ng kalidad ang pag-aaral ng mga estudyante.
Sa pagdinig ng Defeat COVID-19 Committee noong nakaraang linggo, inirekominda ni CHED chairman Prosepro De Vera na magkaroon ng “flexible learning” o paggamit ng iba’t ibang online platforms para sa susunod na academic year.